Sunday, 24 February 2013

3 days Vacation sa Kingsville :D

Ayon. Medyo mahaba ang kwento ko kasi pagsasama-samahin ko na lang. Hindi ako nakapunta sa last day ng MTV namin. -___- Kailangan kasi ng kasama ng Pinsan ko kasi hindi niya pa kayang kumilos. Kaya ayun. Tinulungan ko naman na sila nung 1st day. Kamusta naman ako dito? Eto natatakot. Ang laki kasi ng bahay nila pero wala naman masyadong nakatira. Di naman ako naboboring kasi madaming assignment. Dito na ko gumagawa nga assignment pati activity. Kaso nga lang dami ding ginagawa dito kasi minsan ako yung nagluluto. :) Gumagawa na din ako ng Essay para sa Edsa People Power. Buti nga Lunes walang pasok. Salamat sa Edsa! Hahaha :))) Ayun lang. Bow! :D

MTV starts! :D

 Ayon. Buti na lang nakapag-simula na kami. Shooting sa Ulan eh. Yung ang gusto ng mga ka-grupo ko eh. Kaso napagalitan lang kami ni Ma'am Velasco. -_______- Tapos nagtampo pa yung Bestfriend ko. High Blood kasi ako ngayon eh. Nakakaasar kasi sila. -_____-

Friday-Sunday 3in1 :D

Hello sa bago naming pamangkin! :D Ang ganda ganda talaga niya. Ayun. 3 days na kong nasa ospital. Lalabas na kami bukas. Kasi kailangan na daw paarawan si Baby. ^_^

Tara, Tara sumama na samin! :D

Distribution of Stub! :D May 500 na naman kami. Buti nalang kasama ko yung mga classmate ko! Feeling Scholar eh. Sponsor lang daw tawag dito sabi ni Ma'am Cabrera kasi ang scholar daw para sa mga matatalino. Araaaay. -____________-

Dayaaaaa! -_____-

Yung tipong may Senior's Night, tapos kami wala pang na-eexperience na party. Haay Nako. Temporary pa lang naman daw eh. Sana may JS para naman masaya. :D

Absent! :(((((

Dami ko ng Absent! Yari na talaga ako neto. -_____- Dami kasing gagawin sa bahay, umalis kasi si Mama.

Lunes. :D

Pantag na kami. Napasa na yung project sa Filipino. Pero may isa pang problema. Ang MTV sa Values. Woaaah! -_____- Dami talagang problema. Pero mas marami ang solusyon. Parang yung sa Chemistry. "More Solvent, Less Solute" Tama ba? Ayy ewan. Di kasi nakikinig! XD Antok kasi ako eh. -____- Hahahaha!

Church Day! ^___^V

Hayy. So Blessed. Thank you lord. Happy 1st Sunday of Love Month! :D Yiiie. Kaya nagsimula na sa Church yung topic Series namin na "Will You". 1st sunday, tungkol sa friendship. Ayy aba! Ngayon ko lang nalaman na dapat pala kahit mag-asawa na kailangan pa ding maging kaibigan. Dami kong natutunan. ^_^

Banyaga Last Episode! :D

Burn! :D Pumunta pa kami ng Gate 2 para bumili ng Cd tapos hindi naman nagamit. Iyaaaak! Hahahaha. Tapos na ang aming pinaghirapan. Bow! Ipapasa na to bukas, nawa'y gumana sa dvd player ni Ma'am para walang problema. Wussshu! Thank you Lord. :D

Banyaga Eps. 2 :)

Taposssss! :D Yahoooo. :D Kamusta naman ang buhay namin? Eto masaya. Kasi ipapaburn na lang namin bukas yung ginawa namin tapos ipapasa na! Ngayon ko lang napagtanto na napakalayo ng bahay ni Galvez. Dun kasi kami ng shooting. :) Anyway, Galing galing talaga ni Duero pero minsan may pagka-abnoy eh. Kaya madaming cut. :) Oks lang. Atleast natapos namin lahat! Mabuhaaaay! :D

Banyaga Eps. 1 :)

Wooooa! Pagod Much. Ang layo kasi ng pinag-shootingan. Doon sa may Cupang. Ang init kaya. 5 na kami nakauwi. Kailangan na kasing matapos to agad agad eh. :)) Lalalalala! Successful naman ang 1st day. Nangalahati naman agad. Panissss! :D Kami na talaga. May kasama pang kulitan yun. :D

Artista? Artista Ba? :)

Sa wakas. Nakapag-Plano na din kami, may skrip na at may props na din! Ohaaaa. Konting tiis na lang, matatapos na din kami. Waaaah! Teamwork lang. :D

Absent! :(

11:00am na ko nagising. Pasok pa ba ako? Edi nagmuka na kong abnormal nun. Hahaha! Pinipilit ko kasing matapos yung painting eh. Sa kasamaang palad, waley pa din. -_____- Ano ba yaaaan! :(

Epic Fail ang Tuesday!!!!!! Kaasar.

Imbis na mag-umpisa na kami, ayon wala pa din. Nganga lang for life! :/ Badtrip diba? Wala pang skrip. Wala pa ding props. Wala pa lahat! Hayy nakoow! Kaasar.

Loading............. ERROR!

Medyo ok naman yung unang araw ng Linggo ko. Kaso hindi pa din eh. Nakakalungkot lang kasi wala pa kaming nagagawa sa Filipino, next week na pasahan. I-eedit pa yun. Hay nako! Hayahay ang buhay ng mga ka-grupo ko. Wala pa nga kaming skrip eh. Pano na? Simple lang. Mag-umpisa na kami bukas na bukas din. :D

Sabado, Linggo Walang Pasok :D

Yung Feeling na, nung biyernes lang ako masipag. Dami kasing bwisita sa bahay. Dumating yung buong angkan namin. Hahaha! Joke lang, yung mga 1/8 na angkan namin.Nakikain lang sila tapos dito sila natulog. Ayon, kami yung tao sa bahay kaya kami din kikilos. Katulong ako for 2 days. Saya diba? Buti sana kung sila yung gagawa ng assignments ko eh. Hahaha. Puro daldal naman ako, hindi ko naman masabi sa kanila. Anong sense diba? :) Osya, pahinga na ko. Pagod kasi ang bata batuta eh. Babusssh!

Thank God Its Friday! :)

Magdiwang. Araw na ng pahinga. :) Chillax na naman si Mary. Woaaaa! :D Nga pala, bago ko makalimutan. Ang saklap ng nangyari kanina, nawalan ako ng 20 pesos :( Walang pang-break kaya pag-uwi kumain ako ng sobrang dami. -_____- Biyernes na biyernes tambak ng gawain. Nakoo naman talaga. Osya, gagawin ko na muna para mabawasan. :D Babye! :*

Pengeng Pintura. -________-

Halaaaaaaaa! Super palpak yung ginawa kong paint. Kainis! Naubusan kasi ako ng pintura eh. Maganda na sana kaso panget. :( Nga pala, malapit na kaming mag-shooting para sa project namin sa Filipino. Ayon, ang gulo pa din namin. Di namin alam kung Banyaga na yung gagawin namin eh. Di kasi magkaisa yung mga ka-grupo namin. Magsisimula pa lang kami tapos yung mga ibang grupo patapos na. Halaaa! Patay na talaga. Magiging busy na naman kami next week. Haaay!

01-23 :))))

Happy Birthday Ian. Happy Birthday Ian. Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Ian. :)))))) Birthday ng kaibigan kong Panget. ^_^ Ang saya todaaaay. Yung feeling na wala silang handa kaya kami yung gumastos para lang makapag-celebrate ng birthday niya. Masaya! :D Kahit na madami pang gagawin, talagang pinaghandaan namin to. Bestfriend kasi kaya ayon! Happy Happy :D Sige na Pareng Diary, gagawin ko pa yung Painting ko. :D Babush! :*

Monday, 11 February 2013

Sabi na eh! Pangit talagaaaaaaa! :((

Absent! Anong nangyayari saken? Tamaditis! :( Lagoooooooot talaga. May activity pa daw sa Mapeh kanina, nawalan tuloy ako. Haaaaay! Badtrip naman talaga oh? -________- Papasok na talaga ako bukas, Promise! :D

Wala lang :(

Nakooo. Lunes na lunes, late ako! :( Wala pang-assignment, pano nadala ako sa mga nangyari sakin kagabi. Hayyy! Panget ng simula ng buong linggo ko. Tinamatamad na naman akong kumilos, si Mama kasi parang machine gun na naman. Hayyy! -__________-

Masamang Linggo! :(

Bakit ganun? Hindi ako nakapag-Church? Kainis naman, tinamad na naman ako. Halaaaaa! First time kong tinamad. Bat ganun? :( Puro nakakainis yung nangyari sakin ngayong araw na to. Pinagalitan na hindi pa ko pinapansin sa bahay! Ay halaaaaa. Wala ako sa Mood :(((((((((( Babye na nga! :(

Thursday. Friday. Saturday! :)

Diary, pinag-isa ko na ha? Kasi nung ginawa ko ng Friday hanggang Saturday parehas lang ^_^ Ano pa ba? Edi Gumala ng Gumala ng Gumala! :D Pinuntahan namin si Papa eh. Saya diba? Ngayong week di pa namang gaano ka-busy, kaya Petiks ulit. :) Wala pa namang bagong nangyayari sa buhay ko. Hahaha. ^_^

Loading......... Busy :)

Hi Diary. Nga pala, Happy Monthsary muna sa Begs! ^_^ Osya, kamusta ka na Diary? Ako ito, inaasikaso yung mga gagawin Next Week. Sunod sunod na naman kasi yung gagawin, yung MTV sa Values, SIP sa Chemistry, yung project sa Filipino na Movie, tapos mga materials sa Painting. Puro gastos na naman at panigurado Busy na naman kami. Mabuhay! Konting panahon na lang din naman, bakasyon na naman kaya kailangan ng sipagin. ^_^

Unang araw ng Ika-apat na markahan :)

Ayy Saya! :) Alam mo ba Diary, sabi ng mga ibang teacher namin, review na lang daw simula 1st grading hanggang 3rd. :) Alam mo ba kung gaano kasaya yun? Hahahaha. Tapos sa A.P mas maganda, hindi na kami gagawa ng ala-Thesis na Tulong sa pag-aaral! :D Magpunyagi. ^_^ Sana palagi na lang ganun. (Feelingera na naman ako.) Petiks pa ba ngayong 4th Grading? Hindi pa din. Yung ibang subject kasi madami pang gagawin. Kaya, tuloy pa din sa pag-aaral. :)

Parang kahapon lang, Lunes na naman :(

Woooh. Walang pagod. :) Puro check lang ng mga test, correct response at linis lang ng room. Hayahay ang buhay! ^_^ Yung ibang teacher pa namin absent, kaya parang wala lang ngayong araw na to. Atleast, nakapag-pahinga yung mga maliliit naming utak. Hahahaha. :)) Ang sarap talaga pag puro pahinga lang kaso minsan nakakatamad din eh. :)

Linggoooooooooooooo! :P

Talaga naman. Nerbyos ang inabot ko ngayong araw na to Diary. Nag-fa'facebook kasi kami ng pinsan ko ng biglang may nag-text: "Nak, puntahan mo si Ate Tin mo sa kanila, umiiyak na! Manganganak na daw." Ako naman to si excited, wala ng bihis bihis at pulbo pulbo, larga agad. Ang hirap niyang ibaba sa hagdan baka ma-out of balance edi nayari pa kami sa asawa niya. Pagdating sa ospital, isa lang pala kaming mga Feelingera, hindi pa daw manganganak na sobrahan lang pala sa pagka-excited. Harujosko! :D Pasaway na buntis talaga, kaya sa nerbyos ng buong angkan namin, dun nalang kami pinatulog sa bahay ng pinsan ko para mabantayan daw. Masayang nakakanerbyos tong araw na to. Unang beses ko sanang makakakita ng nanganganak kaso hindi natuloy eh. Kaya sa susunod na lang. :)

Huling araw ng penitensya ^_^

Yahoooo! Tapos na ang paghihirap. Sakit sa utak ng Math, A.p at Chemistry. Patunay lang na hindi ako nag-review. Sabi nga ni Ma'am Cabrera, tiwala lang makakapasa din daw kami. Saya diba? :) Hahaha. Pero nakakatuwa naman yung iskor ko sa Values at Math, pero sa Mapeh? Iyaaaaaaak! :( Sabi na nga ba eh. Mababa ako. Kasi naman hindi ko alam yung schedule ng exam. Hayahay tuloy! T_T Galaan na bukas. Yehey! Pahinga pahinga din kapag may time. Babye Diary! :D

Unang araw ng pagsusulit :/

Diaaaaaaaaaary! :( Nakakainis. :/ Paano kasi yung dalawang subject na nireview ko ng bongga para pa pala bukas yun. Sana naman maganda yung score ko sa Mapeh. Medyo mahirap din kasi yung exam na yun kaya kinakabahan ako. T_T Pataaaaay! Petiks petiks pa man din ako kahapon, yari ako neto kay Mama. Pero sa totoo lang, masaya din naman tong araw na to, puro ba naman kwentuhan at asaran eh. San ka makakakita ng habang nag-eexam may nag-papangkatang gawain. Hahahaha! ^_^

Thursday Baby. ^_^

Woooh! Kabado na ko. Simula sa 2nd subject namin kanina hindi man lang nagbigay ng Pointer's to review, yung ilan naman naming teacher "Tiwala lang" sabi nila. Hahaha. Kaya to, kami pa ba? After this week, puro gala na naman ang aatupagin ko mabait ako eh. :) Review review din ng Math, bukas kasi exam yun eh. Mahirap ng ma-Zero kahit maka-1 man lang. Joke lang. Sige Diary, babush! ^_^

Pagod Buster! @_@

Hi Diary, alam mo bang nakakapagod ngayon tapos ikaw nakatunganga ka lang? :) Ayos ka ah! Tulungan mo ko sa exam namin ha? Hahaha! Pasensya, nahihibang na ko. Puro kasi test ngayon eh, tapos may final test pa sa friday. Nakooo! Puro test. SANA naman pumasa na ko diba? Huling pagkakataon na to para bumangon. Hahaha. Joke lang. Sige na Pareng Diary, magpapahinga muna ko sakit ng utak ko hindi yung ulo. :D

Monday, 28 January 2013

Tuesdiii :)

Hello Pareng Diary. Ang hirap naman ngayong linggong to. Puro nalang kami balik-aral. Paano naman kasi sa Biyernes na yung Pagsusulit namin. Kailangan ng pag-igihan kasi para masaya. HAHA! Pasesnya na kung medyo matumal yung pagsusulat ko ngayon ha? Kasi busy-busyhan daw ako kunyari :) Sige na Babuuuuush! :D

Sunday, 13 January 2013

Monday! Back to Normal na talaga. :))

Hello There! Ang saya saya naman ngayong Monday! :) Pano, konti lang yung pumasok na teacher. Paranf bakasyon lang kami. HAHA! Tapos ang konti lang ng di pumasok kaya ang ingay ingay. Halaaaaa! Exam na daw sa Thursday at Friday. Nako! Nagbabakasyon pa ung utak ko. Ok lang yan. Papauwiin ko na sya. HAHA! Ang saya talagang pumasok, kahit na madaming ginagawa atleast kasama ko yung mga kaibigan ko. Ayaw ko naman na kasing umabsent, papagalitan na ko ni Mama. Nagiging tamad na ko! Hahaha. Kailangan ng magsipag, may Exam na eh. Kakapasok lang, Exam agad? Aba ang bait talaga ng tadhana eh. Hahaha! Aral-aral din mabuti. :D

Church Day! :)

Hello Diary. Super Blessed na naman ako :) Thank you talaga sa Gospel :) Na-charge na naman yung Spirit ko. Nga pala, ako lang mag-isa yung nag-service kanina. :( Wala kasi yung Ate ko. Ayon, nagdate kami ng sarili ko. HAHA! Ang saya pala kapag mag-isa ka lang na umaalis. Less gastos! Haha. Ba't ba kasi ang damot ko? Hindi naman. Madami lang gagastusin sa susunod. :) Sige na, may pasok na naman gagawa na ulit ako ng mga assignment, lalo na yung Chemistry :) HAHA!

Sabado? Ang Sayaaaa! :D

Hello Pareng Diary! Kamusta? Ako oks na oks lang! :D Ayon, gumala lang buong magdamag. Wala kasing magawa eh. Bukas pa yung schedule ko sa paggawa ng mga assignments! HAHA! Sorry, tinatamad pa eh. :)) Ubos na naman yung pera ko. Pano magpalibre daw ba sila Mama at Majoy eh. Edi ubos talaga. Ok lang atleast, nabusog yung powerpuff girls! :)) HAHA! Osya, magpapahinga na ko. Maaga pa bukas. :)

Biyernes Agad? Agad-Agad? :D

Hello Diary. Ayon! Tamang kwentuhan lang sa school. Pati yung ibang asignatura nagbabakasyon pa hanggang sa ngayon. Sa lunes na lang daw ulit magsisimula ng panibagong aralin. Pero alam mo ba? Hindi nagpaawat ang aming guro sa Chemistry. Talagang may nahanda siyang lecture samin nung araw na yun. Kaya ayon, halata samin na wala pa kaming ganang makinig. :) Ganun ulit, pag tapos ng klase, punta na kung saan saan.

Wednesday, 2 January 2013

Bye Bakasyon. Hello 1st day of Class. :((

Hello Diary. Ang sarap mabuhay! :)) Kaso may pasok na naman bukas. Simula na naman ng assignment, project at EXAM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hala. May Exam na pala kami ngayong January. Halos lahat ng classmate ko wala pa sa mood pumasok pero kailangan kasi malapit ng matapos ang taon. Haaaay! Osya, matutulog na ko. Maaga pa bukas. Nakalimutan ko na nga kung 6 o 7 ng umaga yung pasok namin eh. HAHA! :)

Happy New year! :*

Diary! :) Kamusta ka? Ako ito ok na ok na ok na ok lang! :) HAHA! Ang saya saya ng New year namin. Halos kumpleto kami. Puro tawanan tska marami na ding nagkabati sa pamilya namin. Natawa pa nga ako kasi yung lantern na pinalipad namin nasunog lang dahil sa dami ng wish na nakasulat dun. Ito na yata ang pinakamasayang new year sa lahat. Na-enjoy namin ang bawat sandali hanggang sa matapos ang huling minuto ng January 1. :)