Saturday, 29 December 2012

SISTERAKAS! :) (Amsaveeeh?)

Hellooooooooooooo Diary! :) Laughtrip ngayong araw na to. Nanood kasi kami ng Pinsan ko at ng Kapatid ko ng Sine. Nakita ko nga sila Necor, Enriquez at Rayco. Manonood din pala sila ng Sine. Talagang Bet na Bet ko yung Sisterakas, ang galing talaga dun ni Ai-Ai at ni Vice eh. Ngayon na lang pala ulit ako nakanood ng sine, kasi madalas kong panoorin Pirata eh :) HAHA!

Home Sweet Home! :)

Tugs! Tugs! Tugs! Tugs! Tugs! Tugs! Tugs! Hello Diary. :) Ang saya ng araw ko kasi talagang nagpahinga lang ako ngayon. Hindi ako umalis o di kaya gumala. Talagang binantayan ko lang yung bahay namin. Kasi napansin ko lang na lagi na lang akong umaalis hindi na ko napipirme sa bahay. Kaya ito, linis, facebook,KAIN, patugtog lang ang alam kong gawin. :) Haha. Atleast hindi ako pagod! :D

Hello Dentista! :((((

"Diaaaaaary! :( Samahan mo nga ako. Magpapabunot kasi ako ng ngipin eh. (Makalipas ang isang oras) Yessss! Hindi pa ako pwedeng bunutan. Kailangan ko daw munang uminom ng gamot kasi kumikirot pa. Kaya Tara na! Bili tayo ng Gamot sa Mall! :) HAHA!" Nakoo, sobrang sakit talaga ng ngipin ko :( Pero di pa pwedeng bunutin eh. Kaya pupunta na lang ako ng Mall. :) HAHA! Para naman kahit papano makalimutan ko na masakit yung ngipin ko! :) Laro dito, laro doon. Kain dito, kain doon! Yan ang magandang gawin. Araw-araw na akong pagod pero ayos lang. Kapag may pasok kasi, bihira na naman ako makakaalis ng bahay! :)

Oh Bili-Bili na kayo! 3 for 100 lang! :)))

Hello Hi, Hi Hello Diary! :)) Pagtapos mamasko bininyagan na agad yung pera. Namili kami ng mga gamit namin. Dahil wala kami masyadong nagustuhan magkapatid, si Mama na lang yung binilhan namin. Tsinelas, Shorts at kung ano-ano pa. Ninang niya kami eh! :)) HAHA! Nahiya naman kasi kami sa kanya kaya ganun. Pero ok na din, atleast may natanggap na regalo ang mahal kong Mama! :)

Happy Birthday Papa God! :))

Hello Diary. Alam mo yung masaya? Kami yun eh! Ok na ok ang pasko kahit luging lugi ang Noche Buena! :)) HAHA! Sila nga pala ang mga pinsan ko sa Side ni Papa. :) Hindi pa kami kumpleto niyan. 3 pamilya pa lang yan. :) Sobrang saya talaga. Minsan lang kasi sa isang taon kami magkita. Yung iba kasi may mga trabaho na yung iba naman may mga asawa na. :) Kaya buti na lang naiisipan pa nilang pumunta dito samin. Sana sa susunod ulit na pasko, makumpleto na kaming lahat! :)) Merry Christmas! :D

Noche Buena! :((

Hello Hi Diary. :( Ang lungkot ko ngayong Noche Buena bukod sa gutom ako at wala kaming handa, gutom ako at wala kaming handa! :( Pano kasi, sabi ni Papa mas maganda daw kung paghandaan daw yung New Year. Pero para sakin dapat lahat pinaghahandaan eh. May susunod pa naman. Kaya ngayon, tiis-tiis lang muna kasi na-ospital din si Mama kaya kailangan muna namin makabayad ng mga utang para next year wala na kaming iintindihin. Ito na yata yung Noche Buena na tinulugan ko. :(

Praise The Lord!!!! :*

Ngayon ay Linggo! :) Hello Diary, kahit madaming bisita sa bahay talagang umalis ako para magsimba kasama ko yung dalawa kong pinsan. Ang dami kong natutunan ngayon. Talagang na-blessed ako sa topic. Kaya kahit marami talagang ginagawa sa bahay, maraming bisita, hindi ko nakakalimutang magsimba. Kasi kahit papano, may natutunan ako. Pagtapos namin magsimba, gumala kami saglit. Hindi na kami nagtagal kasi mahihirapan na kaming sumakay. Pag dating namin sa bahay, nagyaya yung mga pinsan ko na magperya para daw bago matapos yung araw  maging masaya daw. Hahaha! :) Naging makabuluhan na naman yung araw na to. :)

Bonding ng Powerpuff Girls :D

Diaaaaaaaaaaaaaaaaary! :) Kamusta? Haha. Ako ok na ok. Gumala kasi kami ng Powerpuff Girls eh. (Mama, Ako at yung Kapatid ko) Kung saan-saan lang kami nakarating, pumunta kami ng Sm Masinag, Robinson at Sta.Lucia. Ewan ko ba sa kanila. Talagang gala yung gala nila eh. Nakakapagod maglakad pero sobrang saya din. Minsan lang naman kasi kami umalis ng may pera at talagang na-eenjoy namin. Yun nga lang kakalaro namin, wala na kaming pang kain. Hahaha. Nako. Sa susunod talaga hindi na ko maglalaro para kahit nainggit ako sa paglalaro nila, may pang kain ako. :))

Party All Day, All Night! :)

Hello Diary! :) Alam mo yung pakiramdam na wala ka pang pahinga? Ako yun eh! Kakatapos lang ng cultural tapos christmas party naman tapos ngayon? Party ulit! Hahaha. Ginusto ko to eh. Party nga pala sa shop ng kuya ko. Walang gaanong bisita kasi yung iba mga puyat pa galing din sa mga party. 1 na ng madaling araw kami natapos. Pero hindi naman ako umuwi sa bahay, dun na lang ako natulog sa Kingsville kasama yung anak niya. Medyo boring kasi, hindi ko naman close yung anak niya. Nanonood lang ako ng tv, nagtetext tapos nag-bike lang sa buong subdivision. Ito na yata ang pinaka nakakapagod na christmas celebration na naranasan ko. :)

Thursday, 27 December 2012

Disyembre 20, 2012

Christmas Party

Dear Diary,
      Nagdaos ang 3-1 ng isang walang kabuhay-buhay na Christmas party. Wala kami guro, kulang ang pagkain at maagang nagsipag-uwian ang aming mga kaklase. Nagkaroon ng palitan ng regalo pero yung iba hindi nakatanggap. Siguro ito na ang pinaka boring na christmas party. Wala ding pumuntang mga guro sa iba't ibang asignatura. Wala namang nasayang na pagkain pero maraming nasayang na oras. Haaaay!

Disyembre 19, 2012

Dear Diary,
      Ang sayaaaa! Pumunta kami ng Marikina para mamili ng mga pang-regalo para sa darating na Christmas Party. Medyo pagod pero sobrang saya dahil kahit sa konting panahon na kami ay nagkasama-sama ay naging makabuluhan ang mga minuto na kami ay nagtatawanan at naglilibot sa munisipyo ng Marikina. Halos wala na kaming mapaglagyan ng ligaya at ngiti sa aming mga mukha. Talagang mas sasaya kapag kaibigan mo na ang iyong kasama.

Wednesday, 26 December 2012

Disyembre 19, 2012

Ikatlong Araw ng Cultural Show

Dear Diary,
    Sa wakas! Natapos namin ng maayos ang aming programa. Kahit hindi maayos ang aming mga tulog, naging kasaya-saya ang aming pagtatanghal. Sa huli ng aming programa, sumayaw at naki-indak ang aming Punongguro na si Bb. San Diego. At doon namin napagtanto na naging makabuluhan ang aming pagtatanghal sa loob ng tatlong araw.

Disyembre 18, 2012

Ikalawang Araw ng Cultural Show

Dear Diary,
      Ito na naman kami, napagod ng sobra. Pero mas naging kasaya-saya dahil sa sobrang dami ng nanood ngayon sa aming pagtatanghal. Karamihan sa mga nanood ay talagang nagtitilian at naghihiyawan. Ramdam ko ang kasiyahan kahit sa palakpakan lamang ng mga manonood.

Disyembre 17, 2012

Unang Araw ng Cultural Show

Dear Diary,
   Ito ang unang araw namin na nagtanghal para sa Cultural show. Bagamat sobrang nakakapagod ay nakaraos din kami. Maraming nanood na magulang pati na rin ang mga estudyante. Ito na rin siguro ang pagtatanghal namin na hindi ko makakalimutan.

Journal ngayong Bakasyon :)


Tuesday, 9 October 2012

Indibidwal na Gawain

DEKADA 70 (Indibidwal)

Ito ay ginawa namin upang ipahayag ang aming natutunan sa Akdang Dekada 70. At dito rin namin ipinahayag ang mga mahahalagang pangyayari sa akdang ito.

Bisang Pandamdamin at Pangkaisipan (Sa Tabing Ilog)


Indibidwal na Gawain (08-23-12)


Indibidwal na Gawain

Ito ay indibidwal na gawain kung saan ipinapakita kung saan nagmula ang salita, pormalidad, anyo ng salita at ang salitang ugat.

Dekada 70

DEKADA 70

 Ito ay tumatalakay sa mga pangyayari noong Dekada 70. Kung saan may mga taong pinaghihigpitan ng sarili nilang pamahalaan.

Ako ito!

Maskara

Ito ay tungkol sa aming pagkatao. Kung saan kailangan naming gumuhit ng isang simbolo na sumasalamin sa aming pagkatao.

Ang Guryon


Ang Guryon

Noong una ko pa lamang itong nabasa. Hindi ko naisip kung ano ang pinakang kahulugan ng mga salita sa bawat taludtod.

Pagtapos namin itong basahin. Nag-iwan ito sa akin ng isang magandang mensahe yun ay tungkol sa pagmamahal ng magulang sa isang anak. Ipinapahayag din dito ang bawat pagbabago ng isang anak simula noong sanggol pa lamang kami hanggang sa tumanda at humarap sa mga pagsubok.


Thursday, 2 August 2012

Anda ng Crazy Little Thing Called Love

"Crazy Little Thing Called Love"
Ang aming ginawa ay tumatalakay sa Anda ng kuwento. Ang kuwento na binigyan namin ng anda ay ang kuwento na "Crazy Little Thing Called Love". Kung saan parang ginawan namin ng banghay ang istoryang ito. Ang ginawa namin ay hanggang ika-pitong anda.

Sa Aking Mga Kababata.

 "Sa aking mga kababata"
Ang tulang ginawa ni Jose Rizal ay pumapaksa sa kanyang mga kababata hindi lamang sa kanyang kababata dahil ang tulang kanyang ginawa ay may mensahe sa mga modernong kabataan.

Sa tulang ito ay maari nating sabihin na "Ang kabataan ay pagasa ng ating bayan." Dahil kaming mga modernong kabataan kailangan naming bigyan ng tuon ang wikang tagalog para kahit sa simpleng paraan ay maparamdaman natin ang pagmamahal sa sariling atin at sa bansa.

Buhay ni Jose P. Rizal


"Buhay ni Gat. Jose P. Rizal"
Ito ay pagbalik-tanaw lamang sa naging buhay ni Jose Rizal noon. Ngayon ko lamang natuklasan na marami pala siyang pinagdaanan hindi lang siya kundi pati ang kanyang pamilya. Marami pa akong nalaman tungkol sa buhay ni Rizal gaya nalang ng pag-aaral niya sa madami pang paaralan at sa iba't ibang lugar. Hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Buod ng Noli Me Tangere


"Buod ng Noli Me Tangere"
Ito ay akda ni Gat. Jose P. Rizal. Ito ay tumatalakay sa mga nangyari sa pangunahing tauhan na si Ibarra. Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Ang Nobelang Noli Me Tangere ay binubuo ng iba't ibang tauhan ito ay sina Elias, Kapitan Tiyago, Padre Damaso, Padre Salvi, Maria Clara, Pilosopo Tasyo, at Sisa. Ang mga tauhang ito ay akin lamang natuklasan sa aming pagtalakay sa buod ng Noli Me Tangere.

Ang akda ding ito ay pumukaw sa aming mga atensyon bagamat ito ay napakahabang istorya, kami ay nakapulot ng mahahalagang pangyayari sa mga tauhan. At nagbigay din sa amin ng ideya tungkol sa mga akda ni Jose P. Rizal.


Sobre na kaakibat ng Liham 1 at 2

"Sobre"
Ang ginawa namin noong Hulyo 19,2012 ay ang pasulat sa Sobre. Isinulat namin ang lokasyon ng nagpadala at sinulat din namin ang taong padadalhan namin sa gitna ng sobre.

Dahil sa ginawa naming ito, kami ay natuto ng tamang pagsulat sa sobre. At maari na kaming magpadala ng liham na porma.

Burador (Ikalawa)


"Burador (Ikalawa)"
Ang ikalawang burador na aking ginawa ay parehas lang din sa unang burador na aking ginawa. Inulit ko lamang ang aking pagsulat. Nabawasan na din ang ilang kamalian sa pagsulat sa aking burador. Ako ay nakakuha ng 14/15.

Burador (Una)

"Burador"
Ito ay aming ginawa noong Hulyo 18, 2012. Ang liham na ito ay pumapaksa tungkol sa paganyaya sa isang tagapagsalita tungkol sa seminar workshop. Ang aming sinulatan ay ang Tagamasid sa Filipino-Sekondarya.

Liham 2


"Pagsasanay #3"
Ang pagsasanay na ito ay ginawa namin noong Hulyo 18,2012. Ito ay pumapaksa sa paganyaya sa isang panauhing tagapagsalita na may kaalaman sa pagsugpo sa nakamamatay na Dengue.

Ako ay nakakuha ng 12/15 na may katumbas na 87%.

Sanaysay tungkol sa Matalik na Kaibigan

"Sanaysay"
Ang sanaysay na aming ginawa noong Hunyo 18,2012 ay pumapaksa tungkol sa aming matalik na kaibigan. Nakalahad sa aking ginawa ang aming mga karanasan kasama ang aming matalik na kaibigan. Nakakuha ako ng 85% sa aming ginawa.

Pagsusulit (Hulyo 17,2012)

"Pagsasanay #2"
Ang pagsasanay bilang dalawa ay tumutukoy sa tamang gamit ng mga salita sa isang pangungusap. Halimbawa: "Magiging malaking kawalan para sa amin (kung di, kundi) kayo makadalo."

Itong aming pagsasanay ay nakakatulong upang ilahad kung ano ang buong diwa ng isang pangungusap. Sa pagsasanay na ito, ako ay nakakuha ng 7/10 na ang katumbas na porsyento ay 84%.

Liham 1

"Pagsasanay #1"
Ang pagsasanay bilang isa ay ginawa namin noong Hulyo 13,2012. Ang anyo ng aming liham ay Anyong Block. Ang Anyong Block ay walang indikasyon, at lahat ng talata ay nakapantay sa isa't isa.

Ang ginawa din naming liham ay liham paanyaya para sa panauhing tagapagsalita.

Sunday, 8 July 2012

 "Ika-Limang Pagsusulit"

        Sa aming Ika-limang pagsusulit noong ika-3 ng Hulyo, ako ay nakakuha ng 9/10 na ang karampatang porsyento nito ay 90%.
  "Ika-Apat na Pagsusulit"


              Sa aming ika-apat na pagsusulit noong ika-27 ng Hunyo, ako ay nakakuha ng 6/10 na ang karampatang porsyento nito ay 75%.

 "Ikatatlong Pagsusulit"


        Sa aming ikatatlong pagsusulit noong ika-22 ng Hunyo, ako ay nakakuha ng 8/10 na ang karampatang porsyento nito ay 85%.

 "Ikalawang Pagsusulit"


             Sa aming ikalawang pagsusulit noong ika-18 ng Hunyo, ako ay nakakuha ng 9/10 na ang karampatang porsyento nito ay 90%.

"Unang pagsusulit"

  Sa aming unang pagsusulit noong ika-13 ng Hunyo, ako ay nakakuha ng 7/10 na ang karampatang porsyento nito ay 80%.

Pangkatang Gawain (Islogan para sa Pangkat 2)


“ISLOGAN (Luha ng Buhaya)

             Ang Islogan na ito ay ginawa naming pagkatapos naming talakayin ang Akda ni Amado Hernandez na "Luha ng Buhaya."

              Kaya ganito ang naisip kong mensahe sapagkat ang tunay na kagandahan ay makikita sa pag-uugali at pakikitungo ng isang tao sa kanyang kapwa. Sa panahon kasi ngayon, maraming mga may kapangyarihan at mayayaman na nang-aapi at nang-mamaliit ng kanilang kapwa lalong lalo na ang mga mahihirap o mga taong kapus-palad. Siguro dahil alam nila na hindi sila kayang patulan ng mga ito kung kaya’t nagagawa nila ang mga ganoong bagay.

Islogan tungkol sa Pag-ibig :)


.


“Indibidwal na Islogan"

           Ang islogan na ito ay pang-indibidwal na Gawain. Ang Tema ng aming islogan ay tungkol sa Pag-ibig.

            Ang mensahe ng aking islogan ay tungkol sa pang-kalahatang pag-ibig. Pag-ibig na dapat ay Manahan sa bawat isa. Para sa akin kasi, kung may pagmamahal ang bawat isa matututo tayong iparamdam sa iba kung gaano kahalaga ang mabuhay ng masaya. Kung mapapansin kasi natin ay kadalasan hindi na puro pagmamahal ang nanging ibabaw kundi ang kasakiman at mga bagay na nagdudulot ng kalungkutan.

          Kaya ang islogan na aking ginawa ay binase ko sa mga nangyayari sa ibang tao. Naging inspirasyon ko ang mga taong iyon na hindi alam ang importansya ng pag-ibig. Kung kaya't hindi nila nararamdaman at nararanasan ang tunay na ibigsabihin ng pagmamahal o tinatawag natin na "Pag-ibig".