Monday, 28 January 2013
Tuesdiii :)
Hello Pareng Diary. Ang hirap naman ngayong linggong to. Puro nalang kami balik-aral. Paano naman kasi sa Biyernes na yung Pagsusulit namin. Kailangan ng pag-igihan kasi para masaya. HAHA! Pasesnya na kung medyo matumal yung pagsusulat ko ngayon ha? Kasi busy-busyhan daw ako kunyari :) Sige na Babuuuuush! :D
Sunday, 13 January 2013
Monday! Back to Normal na talaga. :))
Hello There! Ang saya saya naman ngayong Monday! :) Pano, konti lang yung pumasok na teacher. Paranf bakasyon lang kami. HAHA! Tapos ang konti lang ng di pumasok kaya ang ingay ingay. Halaaaaa! Exam na daw sa Thursday at Friday. Nako! Nagbabakasyon pa ung utak ko. Ok lang yan. Papauwiin ko na sya. HAHA! Ang saya talagang pumasok, kahit na madaming ginagawa atleast kasama ko yung mga kaibigan ko. Ayaw ko naman na kasing umabsent, papagalitan na ko ni Mama. Nagiging tamad na ko! Hahaha. Kailangan ng magsipag, may Exam na eh. Kakapasok lang, Exam agad? Aba ang bait talaga ng tadhana eh. Hahaha! Aral-aral din mabuti. :D
Church Day! :)
Hello Diary. Super Blessed na naman ako :) Thank you talaga sa Gospel :) Na-charge na naman yung Spirit ko. Nga pala, ako lang mag-isa yung nag-service kanina. :( Wala kasi yung Ate ko. Ayon, nagdate kami ng sarili ko. HAHA! Ang saya pala kapag mag-isa ka lang na umaalis. Less gastos! Haha. Ba't ba kasi ang damot ko? Hindi naman. Madami lang gagastusin sa susunod. :) Sige na, may pasok na naman gagawa na ulit ako ng mga assignment, lalo na yung Chemistry :) HAHA!
Sabado? Ang Sayaaaa! :D
Hello Pareng Diary! Kamusta? Ako oks na oks lang! :D Ayon, gumala lang buong magdamag. Wala kasing magawa eh. Bukas pa yung schedule ko sa paggawa ng mga assignments! HAHA! Sorry, tinatamad pa eh. :)) Ubos na naman yung pera ko. Pano magpalibre daw ba sila Mama at Majoy eh. Edi ubos talaga. Ok lang atleast, nabusog yung powerpuff girls! :)) HAHA! Osya, magpapahinga na ko. Maaga pa bukas. :)
Biyernes Agad? Agad-Agad? :D
Hello Diary. Ayon! Tamang kwentuhan lang sa school. Pati yung ibang asignatura nagbabakasyon pa hanggang sa ngayon. Sa lunes na lang daw ulit magsisimula ng panibagong aralin. Pero alam mo ba? Hindi nagpaawat ang aming guro sa Chemistry. Talagang may nahanda siyang lecture samin nung araw na yun. Kaya ayon, halata samin na wala pa kaming ganang makinig. :) Ganun ulit, pag tapos ng klase, punta na kung saan saan.
Wednesday, 2 January 2013
Bye Bakasyon. Hello 1st day of Class. :((
Hello Diary. Ang sarap mabuhay! :)) Kaso may pasok na naman bukas. Simula na naman ng assignment, project at EXAM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hala. May Exam na pala kami ngayong January. Halos lahat ng classmate ko wala pa sa mood pumasok pero kailangan kasi malapit ng matapos ang taon. Haaaay! Osya, matutulog na ko. Maaga pa bukas. Nakalimutan ko na nga kung 6 o 7 ng umaga yung pasok namin eh. HAHA! :)
Happy New year! :*
Diary! :) Kamusta ka? Ako ito ok na ok na ok na ok lang! :) HAHA! Ang saya saya ng New year namin. Halos kumpleto kami. Puro tawanan tska marami na ding nagkabati sa pamilya namin. Natawa pa nga ako kasi yung lantern na pinalipad namin nasunog lang dahil sa dami ng wish na nakasulat dun. Ito na yata ang pinakamasayang new year sa lahat. Na-enjoy namin ang bawat sandali hanggang sa matapos ang huling minuto ng January 1. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)